YFP Tanghal-Dangal 2019 Advanced Workshop Passers
- YFP Nueva Ecija
- Apr 16, 2020
- 2 min read

Ginanap noong ika-27 ng Hulyo taong kasalukuyan ang basic acting workshop ng YFP Tanghal-Dangal sa Cabiao National High School sa pangunguna ng Youth for Peace Movement – Nueva Ecija, dito hinarap ng mga piling mag-aaral ng CNHS ang lahat ng mga modyul sa mabisang pamamaraan ng pagtatanghal sa entablado at dito rin nasubok ang kanilang galing at talento sa pag-arte, pagkanta, pagsayaw at iba pa. Sa buong araw na kanilang mga pinagdaanan ay kinakitaan ang mga kabataang ito ng interes kung papaano nila iaangkop ang kanilang sarili sa pagtatanghal sa entablado sa pamamagitan ng pagkuha nila ng mga kinakailangan na mga kaalaman upang mas epektibo nilang maipakita ang kanilang talento sa pagganap ng maayos sa kanilang recital show.
Ginanap rin noong ika-21 ng Agosto ang kanilang kauna-unahang Advanced Acting Workshop na kung saan binigyan sila ng mas mahihirap at mas kapana-panabik na mga pagsubok upang mas maging magaling sila sa pagkokonsepto ng mga ideya para sa paggawa ng mga eksenang makakapagpaantig sa madla. At ngayong Tanghal-Dangal 2019 ay ipapakita rin nila sa mga manunuod ang kanilang nagawang konsepto gamit ang isang piyesa na kanilang pinaghandaan sa loob lamang ng ilang oras at siyang pinakita nila sa mga inampalan sa kanilang advanced acting workshop.
Sa kanilang ipinakitang galing sa pag-arte, paggawa ng mga kakaibang mga konsepto, sa kakaibang teamwork at sa kanilang malawak na imahinasyon, nabuo nila ang maramdaming mga kuwento na siyang nakapagpakita ng kanilang hindi matatawarang mga pagtatanghal na siyang nakapagpaantig ng puso ng mga manunuood.
Pero, sa ibinigay na grado ng ating inampalan sa tulong na rin ng mga theatrical critics sa iba’t ibang panig ng ating probinsya noong napanuod nila ang mga pagtatanghal, napili nila ang mga umangat sa idinaos na mga acting workshop.
According sa ibinigay na grading criteria noong orientation ng Tanghal-Dangal, ang passing grade sa Basic Acting Workshop ay averages ng bawat activity na ang rates ay mula 1 to 10, na kung saan ang 1 ang pinakamababa at 10 ang pinakamataas, ang bawat kalahok ay kailangan magkaroon ng grado na 7.5 points pataaas upang pumasa.
Sa Advanced Acting Workshop naman ay 7.8 points pataas para makapasa at makakuha ng Certificate of Proficiency from the Acting Workshops na ibibigay ng Youth for Peace Movement – Nueva Ecija sa mga kalahok na mapalad na mapipili na pumasa.
And the moment of truth. Ang mga m apapalad na mga recitalists na pumasa sa YFP Tanghal-Dangal 2019 Acting Workshop ay sina:
1. Amurao, Jonas Liwag 8.19
2. Bernardo, Jhulczene Vinuya 7.86
3. Cabungcal, Ria Jean Delos Santos 8.19
4. Cruz, Ivan Abelardo 7.84
5. David, Jan Cyrus Miranda 7.88
6. Dela Cruz, Marlon Bondoc 8.16
7. Dela Vega, Regina Mae Laxamana 8.33
8. Garcia, Meryll Joy 8.22
9. Hernandez, Mary Ann Suba 7.91
10. Jimenez, Jasmin Taruc 7.91
11. Miranda, Vincent Mangalus 8.08
12. Moser, Mary Cyril Calisin 8.47
13. Parulan, Lynel Mariel Soliman 8.69
14. Panugan, Bea Joy Orsal 8.70
15. Quiambao, Jorge Lance Villanueva 8.31
16. Relucio, Esther Amurao 8.39
17. Rodriguez, Rosemarie Rabanes 8.71
18. Ronquillo, Kimberly Lapuz 8.85
19. Tiangco, Joshua Ramos 7.83
*****

Congratulations sa inyo, YFP Tanghal-Dangal Recitalists!
Comments