top of page
Search

The Awardees | 2019 AFP-YFP Bayanihan Award for Theatrical and Performing Arts

  • Writer: YFP Nueva Ecija
    YFP Nueva Ecija
  • Apr 16, 2020
  • 3 min read

Labing-anim na mga pinarangalan noong 2017 at 2018. Iba’t ibang kuwento ng kanilang pagsisikap, dedikasyon at pagpapakita ng kanilang tunay na puso sa pagtatanghal ang naging ugat kung bakit sila ang napiling parangalan ng Bayanihan Award para sa pagtatanghal sa entablado at pagpapakita ng kanilang tunay na galing na siyang nagpa-angat sa kanila sa kanilang piniling larangan.


Direk Pabs:

Naalala ko nuon yung mga napipili naming mga Bayanihan Awardees, lahat sila ay nagtaglay ng mga hindi matatawarang pagpapakita ng tunay na talento at dedikasyon sa kanilang ginagawa, sa bawat rehearsals, kahit hindi ko sila nakakausap at nakakadaupang-palad masyado, nakikita ko ang mga batang ito na nagsisikap na gampanang mabuti ang kanilang mga tungkulin na siyang nagdala sa produksyon namin kung ano ang napapanuod ng madla ngayon. Alam ng karamihan lalo na sa mga backstage persons, parang napakadali lang ang lahat, pero ang mga staff talaga ang pinakanahihirapan sa mga ganitong klasing produksyon, kaya ko ginagawa ang pagpaparangal sa mga natatanging mga artista at staff ay para mabigyan ng pagkakataon ang mga piling mag-aaral na ito na ipakita ang kanilang tunay na talento at dedikasyon at kilalanin sila sa kanilang mga ginagawang pagsisikap sa bawat araw na nagdaan. xx END xx


Tunay nga na lahat ng taong nasa loob ng produksyon ay binibigay ang lahat para maging maganda at matagumpay ang mga bawat pagtatanghal. Mula po sa aming mga puso, nagpapasalamat ang bumubuo ng Youth for Peace Movement – Nueva Ecija sa lahat ng mga mag-aaral na naging bahagi ng pagtatanghal na ito sa Cabiao National High School sa tatlong taong nakalipas.


Napili ang mga manananghal na mag-uuwi ng mga ispesyal na mga pagkilala dahil sa kanilang tunay na dedikasyon at angking galing na tunay na umangat at sadyang kapansin-pansin sa madlang manunuod at sa mga gurong tagapamatnubay ng produksyong ito.

Ngayon, heto na ang ating pinakahihintay, ang mga mananaghal na piniling parangalan ngayong taong ito sa AFP-YFP Bayanihan Award for Theatrical and Performing Arts ay sina:

Ang mananaghal na pinaka-umangat ang kanyang galing at pararangalan bilang Pinakamahusay na Mananaghal sa kanyang angking-galing sa Basic Acting Workshop ay si Esther A. Relucio.

Ang mananaghal na pinaka-umangat ang kanyang galing at pararangalan bilang Pinakamahusay na Mananaghal sa kanyang angking-galing sa Advanced Acting Workshop ay si Kimberly L. Ronquillo.

Ang pinakamahusay na mang-aawit ngayong taong ito ay si Alaysa Lapuz at Vincent Miranda.

Ang pinakamahusay na mananayaw ngayong taong ito ay si Jonas Amurao at Marlon Dela Cruz

Ang pinakamahusay na aktor at aktres para sa kanilang natatanging pagganap sa kanilang karakter ay sina Jan Leo P. Garcia & Mary Cyril C. Moser.

Ang pinakamahusay na pangunahing aktor at aktres ngayong taong ito ay sina Jonas Amurao, Regine Mae Dela Vega at Airah Janine Miranda.

Ang pinakamahusay na miyembro at pinuno ng kanyang kagawaran sa produksyon ay sina Joshua R. Tiangco (Head Props Master and Custodian),

Lynel Mariel S. Parulan (Stage Manager),

Jan Cyrus M. David (Technical Director),

Marlon Dela Cruz (Technical Supervisor for Audio),

at

John Mart Espinoza (Venue Supervisor).

Ang pinakamahusay na manananghal sa pagtingin ng Direktor at Mangangatha ng pagtatanghal ay si Regine Mae L. Dela Vega.

Ang pinakamahusay na manananghal sa pagtingin ng Punong Tagapamahala ng Youth for Peace Movement – Nueva Ecija ay si Ria Jean DS. Cabungcal.

At ang pinakamahusay na aktor at aktres sa pagpapakita ng kanilang angking galling at lakas ng loob ay sina Esther Relucio at Vincent M. Miranda.


At ang pinamahusay na manananghal sa kanilang pagsusulit ay si Lynel Mariel S. Parulan, na nakakuha ng 78 points.


Special Awards:


Best in Attendance and Punctuality: Jan Cyrus Miranda David & Ria Jean DS. Cabungcal


----



Sa aming mga ginigiliw na YFP Tanghal-Dangal 2019 Awardees, kami’y bumabati sa inyo ng congratulations, keep up the good work at pagpalain tayong lahat ng Panginoong Maykapal.

 
 
 

Comentarios


Post: Blog2_Post

©2019 by Youth for Peace Movement - Nueva Ecija. Proudly created with Wix.com

bottom of page