top of page
Search

5th YFP Tanghal-Dangal 2019 Update | as of July 2019

  • Writer: YFP Nueva Ecija
    YFP Nueva Ecija
  • Jul 8, 2019
  • 1 min read

YFP Tanghal-Dangal 2019
Are you ready for this 5th YFP Tanghal-Dangal 2019?

Ano na nga ba ang latest? | 5th YFP Tanghal-Dangal 2019


Bilang director at punong tagapamahala ng programa, nagpapasalamat ako sa panibagong pagkakataon na ibinigay sa akin upang makapaghatid ng magandang aral ng buhay sa mga madlang manunuod, at kasabay na nito ang makatulong upang makapagipon ng pondo upang mapaunlad pa ang mga pasilidad na ginagamit ng paaralan para sa kabutihan rin ng mga kabataan sa pamayanan. Isa ang Youth for Peace Movement - Nueva Ecija sa mga organisasyon na patuloy na humuhulma, tumutulong, nagbibigay inspirasyon at nagdudulot ng unti-unting pagbabago sa pamayanan sa pamamagitan ng paghahandog ng mga makabuluhang gawaing pangkabataan na makapagdudulot ng mas magandang kinabukasan para sa ating minamahal na bayan.


Abangan po natin ang mga susunod na mga kabanata sa YFP Tanghal-Dangal sa mga susunod na panahon sa opisyal na Facebook Page ng YFP Nueva Ecija, at sa paaralang aming makakasama para sa panibagong taong pampaaralan.


Ano ba ang dapat abangan ngayong taong 2019?


May aral. Educational. Ang mga matutunghayan sa YFP Tanghal-Dangal 2019 ay mas maganda at mas kaabang-abang dahil tatalakayin ngayong taon ang kahalagahan ng pagmamahal sa buhay ng isang indibidwal, na kahit ano ay gagawin para mapatunayan ang totoong kahulugan ng pagmamahal.


The theme for this YFP Tanghal-Dangal is "Tales of Love".


Abagan ninyo ang mas detalyadong Video Blog tungkol dito at matutunghayan niyo rin dito sa blog ng Youth for Peace Movement.


---


See you soon sa Tanghal-Dangal!

 
 
 

Comments


Post: Blog2_Post

©2019 by Youth for Peace Movement - Nueva Ecija. Proudly created with Wix.com

bottom of page